Bakit AIM Global?
Sa dinami-rami ng networking company na nagsusulputan sa Pilipinas ngayon, bakit sa AIM Global ako sumali? Ito ang sampu sa aking mga dahilan:
1. Matatag. Ang AIM Global po ay proven na matatag na. Mag-aanim na taon na sya sa Pilipinas, at kailanman ay hindi pumalya sa pagbibigay ng komisyon sa kanilang distributors ARAW-ARAW.
2. Quality Products. Ang produkto ng AIM Global ay world-class. Hindi sya basta na lang na produkto. Gawa ng Nature’s Way. Made in the USA. Ang dami nang natulungang gumaling. Hindi sya nakakahiyang ipag-alok. At reasonable ang prices. At mataas ang reorder dahil sa food supplements ito, consumables, nauubos. Ako pa ang hinahabol at kinukulit ng mga customer ko kapag naubusan na sila.
3. Exclusivity of Products. Ang produkto ng AIM Global, exclusive lang sa AIM Global. Hindi mo sya mabibili sa inyong suking tindahan. Kung magustuhan ng iba yung produkto, wala silang choice kundi sa iyo umorder. Dahil dito, makakabuo ka ng loyal customers na regularly umoorder sa iyo.
4. Innovative. Hindi tumitigil ang AIM Global sa paghanap ng makabagong produkto. Nadaragdagan ang product lines from time to time. Ngayong Feb 26 nga lang, may ilalaunch na ulit na bagong product.
5. Transparent. Dahil sa may online account ka, kitang kita mo lahat ng activity ng grupo mo. Kita mo kung magkano kinikita mo araw-araw. Hindi ka makukupitan.
6. Experienced and trustworthy owners. Ang mga may-ari ng kumpanya ay mga dating networkers din. Alam nila kung paano patakbuhin ang kumpanya. Napag-aralan nila ng husto ang marketing plan. Dahil dito, hindi nalulugi ang kumpanya. Walang overpay. Makikita mo sila sa office, sila pa nga ang nagcoconduct ng seminars and trainings. Nakakausap mo sila. May malasakit sa mga distributors. Alam nila ang pinagdaraanan ng mga distributors sapagkat napagdaanan din nila ito.
7. Expanding globally. Hindi lang limited sa Pilipinas ang market. Legal na unti-unting kumakalat sa buong mundo. Meron na sa Singapore, Brunei, Hawaii, Dubai at Taiwan. Marami pang bansang bubuksan ngayong taong ito. Nakaline-up na ang Hong Kong, Nigeria, Kuwait at Italy. Isa rin ito sa katunayan na matatag ang kumpanya. Ang kumpanyang matatag, hindi natatakot mag-expand globally.
8. Topnotch Marketing Plan. Hindi lang po binary ang marketing plan ng AIM Global. Meron syang Unilevel and Stair Step plan pa. Sa isang effort, tatlong beses ka kikita. Maraming networking company, pero AIM Global lang ang may kombinasyon ng tatlong marketing plan na ito.
9. Scholarship Program. Nagbibigay ng scholarship sa lahat ng members up to 100% discount sa tuition fee na transferable kahit kanino, depende sa school at kurso. Malaking tulong sa mga nangangailangang makapag-aral. Ikaw ba? Binigyan ka ba ng scholarship ng kumpanya nyo?
10. Alive Foundation. Hindi lang sya simpleng MLM company. Meron syang charity works na ginagawa. Tumutulong sa mga mahihirap nating kababayan. Nagbibigay ng relief goods. Kaya patuloy na pinagpapala ang kumpanya, laging handang magbigay sa mga nangangailangan.
Hayan po ang mga dahilan kung bakit sa AIM Global ako. Maraming natutulungang gumaling sa kanilang mga karamdaman. Maraming natutulungang makapag-aral sa college. Marami ring natutulungang mabago ang kanilang buhay.
Hindi lahat ng nakakabaliw ay matatag at pangmatagalan. Ang AIM Global, matatag at pangmatagalan, sigurado yan! Bumibwelo pa nga lang, hindi pa sumasabog sa buong mundo. Sa paglipad nya sa buong mundo, manonood ka na lang ba kung pwede ka namang sumabay na?
No comments:
Post a Comment